Thu. Dec 19th, 2024
Spread the love

Si Raha Sulayman o Raja Soliman ay isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Ayon sa mga kasaysayan, si Rajah Sulayman ay isa sa mga anak ng dating Raja Lakan Dula ng Tondo, na isa ring pinuno ng mga Katutubo noong panahon ng mga Kastila. Siya ay sumali sa kilusan ng paglaban ng mga Tagalog laban sa mga Kastila at naging isa sa mga pangunahing lider nito.
Magiliw niyang pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mga pampalasa at mga babae bilang regalo.

At sang-ayon sa mga Kastila , siya ang pinakamatapang na hari na nakasagupa nila.

Taong1570 nang dumaong ang barko ng mga Kastila sa baybayin ng Maynila ulan ang mga sundalong banyagan na pinamumunuan nina Martin de Goiti at Kapitan Juan de Salcedo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar.

Nagpapunta ng mensahero ang mga Kastila kay Raha Soliman upang ialok dito ang isang mapayapang kasunduan.
At upang makaiwas sa madugong degmaan ay nakipagkasunduan ang matapang na Hari ng Maynila sa pamamagitan ng aamain nitong si Raha Lakandula.

Subalit hindi tumupad ang mapagmalabis na mga sundalong Kastila sa kanilang kasunuan, kung kayat muling nakipagdigmaan si Raha Soliman. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod.

Si Raja Soliman ay nasawi sa labanan na naganap noong ika-3 ng Hunyo taong 1571 sa Bangkusay, Tundo.

Ngunit kahit na natalo, ang pangalan ni Rajah Sulayman ay nanatiling tanyag bilang isang matapang at makabansang lider na nagpakita ng katapangan at pakikibaka laban sa pananakop ng mga dayuhan. Ang kanyang pangalan ay patuloy na pinaparangalan bilang isang bayani ng mga Katutubo at ng mga Pilipino sa pangkalahatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *