Thu. Dec 19th, 2024
Spread the love

Taong 1730,ikaw-10 ng Disyembre nang ipinganak si Diego Silang sa bayan ng pangasinan. Siya ay anak-mahirap lamang kung kaya”t bata pa lang ay nanilbihan na sa Kura paroko ng lalawigan vigan. Mnsan ay inutusan ang batang si diego sa maynila. Ngunit ang malaking bangkay sinakyan niya ay nasira sa baybayin ng zambales nang dahil sa bagyo. Napadpad ang mga taong lulan ng bangkay sa isla kung saan dinakip sila ng mga ita na naninirahan doon. pinatay ng mga ita ang lahat maliban kay diego na ginawa nilang alipin. Matagal rin nanatili si diego sa pagsisili sa mga ita, hangang dumating ang isang kastila na may misyon sa lugar na iyon at tinubos siya. Muling naglingkod si diego biang utusan ng pari kung kaya”t muli siyang nauutusan sa Maynila. Septyembre ng taong 1762, nang dumating sa Maynila ang mga barko lulan ang mga kawal buhat sa Britanya. Ginera nila ang mga Kastila na isinuko ang Maynila sa mga bagong mananakop.

Nakita ng mga Pilipino ang kahirapan ng mga Kastila, at lalong nilang naisip na kaya rin nilang kalabanin ang mga ito.
At isa si Diego Silang sa mga naghimagsik laban sa mga Kastila. Bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang mga kababaya na lumaban sa mga Kastila na Noong Disyembre 1762 ay pinalayas ni Diego Silang at ng kanyang mga kawal ang mga opisyales na Kastila na namumuno sa Ilocos Sur. at mula noon ay hindi na sila nagbayad ng buwis. Sumama na rin ang mga kalapit na lalawigan ng Ilocos Sur sa himagsikang iyon.

Kaya naman sa pagbabalik ni Silang sa Pangasinan, siya at ang kanyang mga kaanak ay nag-isip ng planong paghihimagsik laban sa mga Kastila. Sumama siya sa isang kaanak at nagpunta sa Vigan upang simulan ang pag-aalsa. Nagtatag siya ng isang samahan upang tuluyang mapabagsak ang Pamahalaang Kastila.

Diego Silang

Hindi naglaon, nagkaroon ng sunod-sunod na pag-aalsa sa Pangasinan, Cagayan, Laguna, at Batangas. Dahil sa nalaman ng mga maykapangyarihan ang nangyayaring pag-aalsa, hinuli si Diego at ipiniit. Sa kanyang muling paglaya, nagsagawa siyang muli ng mga rebelyon at dumami ang kanyang mga kapanalig. Noong 14 Disyembre 1762, matagumpay nilang sinakay ang Vigan at ipinahayag na malaya ang Ilokos.

Palaging nabibigo ang mga Kastila na pabagsakin ang hukbo nila Diego Silang kung kaya”t sila umupa ng isang tao na magta-traydor kay Diego. Ang taong iyon ay si Vicos, isang mestico at nagkunwaring isang kaibigan. Nang minsang nakatalikod si Diego Silang ay binaril niya ito at dagli nang tumakas.

Gabriela Silang

Talambuhay ni Francisco Dagohoy (Buod)

Talambuhay ni Raja Soliman (Buod)

3 thoughts on “Talambuhay ni Diego Silang (Buod)”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *