Thu. Dec 12th, 2024
Spread the love

Si Manuel Roxas ay nagsilbing Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 28, 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 15, 1948.

Sa tulong ng mga aralin na ating matututunan ngayon ang ating tatalakayin ngayon ay ang mga programang ipinatupad ng administrasyon ni Pangulong Manuel Roxas sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 at ang panunungkulan ni Roxas.

Si Manuel Roxas  ay isinilang noong ika isa ng enero taong isang libo walong daan at siyamnaput dalawa (1892) sa lungsod na ipinangalan sa kanya ng siya ay namatay,  ang lalawigan ng Capiz na ngayon ay lalawigan ng Roxas.

Nagtapos siya ng abogasya  sa unibersidad ng pilipinas noong 1912 at naging top notcher sa bar exams. Noong 1912, naihalal siya sa House of representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker of the house.

Pagkatapos maitatag ang commonwealth ng Pilipinas taong 1935 naging kasapi si Manuel Roxas sa national  assembly at  nagsilbi bilang kalihim ng pananalapi sa gabinete ni Manuel L Quezon mula isang libo siyam na raan at tatlumput walo (1938) hanggang isang libo siyam na raan at apatnaput isa (1941) at naihalal sa senado ng Pilipinas.

Sa taong isang libot siyam na raan at apatnaput isa (1941) noong ikalawang digmaang pandaigdig, binihag siya ng puwersa ng mananakop na hapon ngunit sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig nanilbihan siya sa ilalim ng republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga hapon.

Sa panahong din ito siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gorilla.

Hinuli ng mga bumalik na puwersang Amerikano si Manuel Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga hapon pagkatapos ng digmaan.

Pinawalang sala siya ni General Douglas Mac Arthur kasama kay pangulong Sergio Osmena, kasama ng mga pilipinong heneral na galing sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Ito ang nagbigay buhay sa kanyang buhay pulitika at sa suporta ni Mac Arthur nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo.

Noong ika dalawamput tatlo ng Abril taong isang libo siyam na raan at apatnaput anim (1946) laban kay Sergio Osmenia, nanalo si Manuel Roxas bilang unang pangulo ng ikatlong republika ng Pilipinas.

Sa kanyang ginawang talumpati noong ikaapat ng hulyo taong isang libo siyam na raan at apatnaput anim (1946) bilang pangulo ng ikatlong republika binigyan diin ni pangulong Manuel Roxas ang dalawang pangunahing layunin ng kanyang administrasyon.

Una ay mapalaki ang produksyon at maibangon muli ang industriyang winasak ng digmaan. Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin na lutasin ang mga suliraning pangkabuhayan nagpatupad si Manuel Roxas ng mga programang pang electrification, mga pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal at pag aanyaya sa mga dayuhang kapitalista gaya ng mga amerikano na magtayo ng kanilang negosyo dito sa bansa.

Establishment of the National Rice and Corn Corporation (NARIC): Itinatag ni Roxas ang NARIC upang mapabuti ang produksiyon ng bigas at mais, at masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

Maka Amerikano si Manuel Roxas. Ito ay naging malinaw sa mga Pilipino noong inihayag niya sa kanyang talumpati na dapat sumunod ang mga mamamayan sa estados Unidos at sa adhikain nito.

Di nagtagal  ang pilipinas na isa ng republika at ang estados unidos ay nagsagawa ng kasunduan. Ito ay ang treaty of General relations.

Ayon sa kasunduan binawi at isinuko ng estados unidos ang kanyang pag aari pangangasiwa pananakupan at kapangyarihansa tagapagtanggol ng pilipinas at estados Unidos. Sumang ayon din ang Pilipinas naipagpatuloy ang lahat ng obligasyon ng estados Unidos na nakapaloob sa kasunduan ng paris noong ikasampu ng disyembre taong isang libo walong daan at siyamnaput walo (1893).

Sa pamamagitan ng kasunduang general relations,  opisyal na kinilala ng estados Unidos ang kalayaan ng pilipinas. Sa gitna ng pagtutol nina Luis Taruc, Claro M Recto at Sergio Osmena, naisulong ni Manuel Roxas ang pagpapatibay sa parody rights.

  • Bell Trade Act (Philippine Trade Act of 1946): Nagbigay-daan ito sa malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, kung saan ang Pilipinas ay nagkaroon ng tariff-free access sa mga merkado ng Amerika. Bilang kapalit, ang mga Amerikano ay binigyan ng pantay na karapatan sa pagmamay-ari ng negosyo sa bansa.
  • Paridad Rights Amendment: Isa itong probisyon ng Bell Trade Act na nagbigay ng pantay na karapatan sa mga Amerikano na mamuhunan at magmay-ari ng mga ari-arian sa Pilipinas, na nagbunga ng kontrobersya at pagtutol mula sa ilang sektor ng lipunan.

Noong ikalabing isa ng marso taong isang libo siyam na raan at apatnaput pito (1947) ang susog na ito ay nagbigay ng pantay na karapatan sa mga amerikano sa paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.

Bilang suporta kay Manuel Roxas pinagtibay naman ng kongreso ang Bell trade act of nineteen forty six (1946)  na ipinanukala ni kongresista Jasper belle ng Missouri.

Ito ay nagtatadhana ng pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng pilipinas at estados Unidos. Mula enero taong isang libo siyam na raan at apatnaput anim (1946) hanggang hulyo taong isang libo siyam na raan at limamput apat (1954) sa ilalim ng kasunduan, ang mga taripa sa ibat ibang produktong amerikano at filipino ay madadagdagan ng limang porsyento hanggang maging isang daang porsyento pagsapit ng nineteen seventy four (1974)

Bukod pa dito nilagdaan din ni pangulong Truman ang ang Taid ng rehabilitation act of nineteen forty six (1946) ay nagtatadhana ng pagtanggap ng pilipinas ng anim na raan at dalawampung milyong dolyar mula sa estados Unidos upang maipagawa ang mga napinsala ng digmaan at maibalik muli ang mga palingkurang bayan sa gitna ng pandaigdigang krisis at kaguluhan.

Military Assistance Agreement (1947): Nilagdaan ito upang magbigay ng tulong-militar mula sa Estados Unidos sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng kasunduan sa pagtatayo ng mga base-militar ng Amerika sa bansa.

Noong nineteen forty eight (1948) na anyayahang magpahayag ng katapatan si pangulong roxas sa estados Unidos sa kelly theater sa clark air base.

Noong ikalabing lima ng abril taong isang libo siyam na raan at apatnaput walo (1948) kinagabihan habang si roxas ay nagpapahinga siya ay inatake sa puso na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan.

Iba pang mga Babasahin

Talambuhay ni Manuel Roxas (Buod)

Talambuhay ni Carlos P Garcia (Buod)

Talambuhay ni Ramon Magsaysay (Buod)

Talambuhay ni Elpidio Quirino (Buod)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *